Nagbigay ng reaksiyon ang Kapamilya star na si Daniel Padilla matapos mag-viral ang video clip niya habang kumakanta ng “Hinahanap-hanap Kita” sa kaniyang birthday celebration.

Sa panayam ng Frontline Pilipinas kay Daniel noong Miyerkules, Mayo 1, sinabi niyang ini-enjoy lang daw niya ang pagkanta sa stage.

“Ang OA…masyadong OA ang mga tao. Nag-enjoy lang akong kumanta,” saad ng aktor.

Iniugnay kasi ng mga netizen ang kaniyang pagkanta sa nangyaring hiwalayan sa pagitan nila ng ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Mapakikinggan sa naturang performance na nagmura pa siya bago ibirit ang chorus ng kanta.

“Potang ina! May kapiling ka ng iba! Sa umaga’t sa gabi sa bawat minutong lumilipas, hinahanap-hanap kita,” awit ng aktor.

Dahil dito, lalo tuloy ipinagpalagay ng marami na ang pinatutungkulan ni Daniel ay ang pagkakamabutihan ng ex-jowa niyang si Kathryn Bernardo at ng “Hello, Love, Goodbye” co-star nitong si Alden Richards.

Matatandaang lumutang kamakailan ang kuwento na nanliligaw na raw si Alden kay Kathryn. Bukod pa rito ang kuwento na mas bet daw ito ng mga magulang ng aktres kaysa kay award-winning actor Jericho Rosales.

MAKI-BALITA: Alden Richards, nanliligaw na raw kay Kathryn Bernardo

MAKI-BALITA: Alden mas bet ng pamilya ni Kathryn kaysa kay Jericho, bakit naman?

Pero nang tanungin si Alden tungkol sa real-score nilang dalawa ni Kathryn, sinabi lang niya na “what you see is what you get.”

MAKI-BALITA: Alden sa relasyon nila ni Kathryn: ‘What you see is what you get’