Aminado si Boss Toyo ng “Pinoy Pawnstars” na noong ‘walang-wala’ pa siya ay tumataya raw siya sa lotto at nagbabakasakaling manalo para maging mayaman.

Ibinahagi ni Boss Toyo ang naturang karanasan sa kaniyang Facebook post nitong Huwebes, Mayo 2 nang i-anunsyo niya sa publiko na magkakaroon sila ng proyekto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at PTV.

“Alam n’yo ba dati no’ng wala pa ako lagi ako [tumataya] sa lotto kasi ‘yon naman talaga [ang] easiest way para yumaman eh lalo na kapag nasa laylayan ka, lagi kang [may] pangrap na sana manalo ng lotto para makaahon sa hirap,” saad niya.

Tsika at Intriga

Boy Abunda kay Alvin Aragon: 'He crossed a line!'

Kuwento pa niya, kahit tumataya siya sa lotto sinasamahan pa rin daw niya ng sipag.

“Kaya ako kahit sinasamahan ko ng sipag [tumataya] pa rin ako kasi naniniwala pa rin ako na mananalo ako medyo nag-iba nga lang ang pananaw, kasi sabi ko dati tumama lang ako ng 5 [milyon] nasa isip ko no’n mayaman na mayaman na ako, which is hindi pala kasi [nandoon] na ako sa buhay na hindi man nanalo ng lotto pero dahil nagsipag ako parang tumama na rin ako [sa lotto],” pahayag pa niya.

Nabanggit din ni Boss Toyo na mayroon siyang proyekto kasama ang PCSO at PTV. Katunayan nga, mapapanood na ang Pinoy Pawnstars sa PTV sa Mayo 17, 5:15 PM hanggang 5:45 PM.