Kwelang sumagot si Senador Risa Hontiveros sa naging hirit ni Unkabogable Star Vice Ganda sa isang episode ng noontime show na “It’s Showtime.”

Sa kaniyang X post nitong Huwebes, Mayo 2, shinare ni Hontiveros ang isang tweet kung saan nakalakip ang video clip ng segment ng “It’s Showtime” na “Expecially for You” nitong Miyerkules, Mayo 1.

Makikita naman sa naturang video na “Rizza” ang pangalan ng kanilang guest, na inihirit naman ni Vice bilang si Hontiveros.

“Kumusta, wala bang Senate hearing ngayon, Rizza?” ani Vice.

'I'm so lucky to have you:' Sandro Muhlach, sinorpresa ng ina

“Hindi ‘yan si senator,” pagsaway naman ng co-host niyang si Jhong Hilario.

“Senator Risa Hontiveros,” bulalas ni Vice.

Sa caption ng post ni Hontiveros kaugnay ng video ay kwelang sinagot niya ang tanong ni Vice sa nasabing guest.

“Yes, @vicegandako, may hearing po ako today para sa Magna Carta of Children bill ,” saad ng senadora.