Inanunsyo ng social media personality at negosyanteng si Rosmar Tan na pupunta siya sa paresan ni Diwata sa susunod na linggo.

“Kita kits sa DIWATA sa May 6, 9 AM punta kayo dun guys abangan ang aming pasabooog,” saad ni Rosmar sa kaniyang Facebook post nitong Miyerkules, May 1.

Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’

Inanyayahan din niya ang mga food vloggers sa paresan ni Diwata dahil suportado raw niya ang mga ito.

“Sa mga food vloggers see you sa Paresan ni Diwata sa May 6, 2024, 9 AM. Marami kayong pang-reels. Suportado ko kayo kasi alam ko naman lahat kayo gusto lang kumita para umangat ang buhay,” sey pa ni Rosmar.

Bukod pa rito, mapapa-sana all daw ang lahat sa pagpunta niya kay Diwata sa Pasay City.

Matatandaang nagnegosyo rin ng overload pares si Rosmar kamakailan.

Ang overload pares niya ay may halaga lang na ₱100. Mayroon na raw itong sahog na lechon kawali at chicharon bulaklak. Bukod dito, may kasama rin itong unlimited java or white rice, unlimited sabaw, at isang softdrinks.

Pero mas pinabongga pa ni Rosmar dahil nag-offer din siya ng unlimited swimming na walang extra charge.

BASAHIN: ₱100 overload pares ni Rosmar, may kasamang unli swimming!

Hindi naman niya ipinagkaila na na-inspire siya kay Diwata kung kaya’t nagtayo siya ng sariling paresan.

BASAHIN: Rosmar, na-inspire raw kay Diwata

Samantala, may itinatayong bagong resort sa Tagaytay si Rosmar na gagawin niyang second branch ng overload pares.

BASAHIN: Para sa ‘₱100 overload pares’: Rosmar, nagpapatayo ng resort sa Tagaytay