Isang paslit ang patay nang malunod habang naliligo sa swimming pool ng isang resort sa Rizal nitong Miyerkules.

Kinilala lamang ang biktima sa alyas na ‘Emman,’ 6, at residente ng Rodriguez, Rizal.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Batay sa ulat ng Rodriguez Municipal Police Station, dakong alas-10:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa swimming ng isang resort sa Sitio Gulod, Brgy. San Isidro, sa Rodriguez.

Nauna rito, dahil holiday at mainit ang panahon ay nagkayayaan ang pamilya ng biktima na mag-swimming sa naturang resort.

Noong una umano ay kasama ng paslit ang kanyang ina na naliligo sa pool ngunit kalaunan ay iniwanan ng ina ang paslit at nagtungo sa kanilang cottage upang kumuha ng pagkain.

Gayunman, pagbalik ng ginang ay nawawala na ang kanyang anak sa mababaw na bahagi ng pool.

Kaagad umano siyang humingi ng tulong upang hanapin ang bata, na natagpuan nilang nakalubog sa malalim na bahagi ng pool.

Mabilis nilang iniahon ang biktima at isinugod sa pagamutan ngunit dead on arrival na ito.