Nasunog ang bahay ng dating komedyanteng si Allan Padua o mas nakilala bilang si "Mura."

Unang nakilala si Mura bilang "ka-tandem" noon ng namayapang si "Mahal," sa noontime show na "Magandang Tanghali Bayan (MTB)" na pinangunahan nina John Estrada, Randy Santiago, at Willie Revillame.

Ayon kay Mura, wala raw silang naisalbalng kahit ano matapos na masunog ang kanilang bahay sa Brgy. Tupas, Ligao City sa Albay.

Kasalukuyan daw naninirahan ang pamilya ni Mura sa isang waiting shed malapit sa lugar ng kanilang bahay na tinupok ng apoy.

Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’

Nagpaabot naman ng tulong sa kaniya ang ilang netizens, kabilang na ang "Ako Bicol" partylist.

Nanawagan din si Mura ng tulong mula sa mga netizen upang makapagsimula silang muli.