Naghain ng cyber libel cases ang Kapuso actress na si Bea Alonzo laban kina Cristy Fermin at Ogie Diaz kasama rin ang kanilang mga co-host sa kani-kanilang online programs.

Ayon kay GMA Showbiz reporter Nelson Canlas nitong Huwebes, Mayo 2, nagtungo si Bea sa Quezon City Prosecutors Office para maghain ng tatlong magkakahiwalay na criminal case for cyber libel sa mga nabanggit na personalidad.

Relasyon at Hiwalayan

Barbie Forteza, handa nang magpakasal?

Kasama rin daw sa inireklamo ni Bea ang isang netizen na nagpapanggap umano na malapit sa kaniya.

Dagdag pa sa ulat ni Canlas, nakasaad daw sa complaint affidavit ng aktres na naging biktima siya ng “mali, malisyoso at mga mapanirang impormasyon na mula sa nagpanggap na malapit sa kanya at inilathala at pinag usapan sa online shows nina Fermin at Diaz nang walang basehan.”

Kasama raw ni Bea sa paghahain ang kaniyang abogadong si Atty. Joey Garcia at manager na si Shirley Kuan.

Samantala, habang isinusulat ito, wala pang pahayag sina Fermin at Diaz kaugnay sa kasong laban sa kanila.