Hindi raw pabor ang mga magulang ni Vivamax sexy actress Angeli Khang nang pasukin niya ang pag-aartista.

Sa latest episode ng “Updated with Nelson Canlas” nitong Martes, Abril 30, sinabi ni Angeli na iba raw ang plano ng ama niyang heneral para sa kaniya.

“Ang tatay ko po talaga is military general. Tapos ang gusto niyang ipagawa sa akin, more on marathon, sports, basketball, volleyball, taekwondo. Sabi niya sa akin, tomboy na tomboy,” kuwento ni Angeli.

“Pinapa-boy’s cut niya pa ako. Sabi niya sa akin: ‘Pinapa-boy’s cut kita kasi ‘pag nag-shampoo conditioner ka pa less money pa ‘yan.[...] After ilang years ‘pag nag-shampoo ka, ang daming perang mawawala sa ‘yo,” dugtong pa niya.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Bukod sa tatay niya, hindi rin daw natuwa ang ina ni Angeli nang malaman nitong mag-aartista siya.

“Sabi ko sa mom ko, cinall ko siya no’ng unang scene ko ng sexy, sabi ko: ‘Ma, ‘pag may nakita kang movie ko na nakahubad ako, hindi ‘yong gano’n talaga.’ In-explain ko sa kaniya lahat,” saad ng sexy actress.

“Nagulat siya, sabi niya: ‘Kailan ka pumasok dyan? Kailan ka nag-film? Bakit ka nagdedesisyon sa sarili mo?’” wika pa niya.

Highschool pa lang daw kasi si Angeli noong panahon ‘yon kaya gano’n na lang ang naging reaksiyon ng kaniyang ina. At dahil pastor, tinanong daw ng ina niya ang pangalan ng direktor para ipagdasal nito.

Pero sa huli, nang makita raw ng kaniyang ina ang passion niya sa pag-arte ay sinuportahan na lang din daw siya nito.

Samantala, sa isang bahagi ng panayam ay nagbigay naman ng reaksiyon si Angeli kaugnay sa pagkakadawit niya sa breakup ng celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.

MAKI-BALITA: ‘Hindi muna ako nagpakita:’ Angeli, nagsalita sa pagkakadawit niya sa hiwalayang Bea-Dominic