Suportado ni Gerald Anderson ang comeback movie ng kaniyang girlfriend na si Julia Barretto at ex-boyfriend nitong si Joshua Garcia.

Sa kaniyang exclusive interview sa Cinema One, itinanong kay Gerald kung ano ang nararamdaman niya sa comeback movie ng dalawa na “Un/Happy For You.”

Relasyon at Hiwalayan

Joshua Garcia, Julia Barretto may ‘mukbangan’ sa bagong pelikula?

“It's exciting para sa mga fans nila, siyempre 'di ba? I'm not sure ilang years ago sila huling nagkasama. But I'd been in that situation. Alam ko na marami silang mapapasaya na fans nila,” sey niya.

Dagdag pa ni Gerald, “They are both great actors, so alam natin na magiging quality 'yung ipapalabas nilang proyekto.”

Matatandaang nagkahiwalay sina Julia at Joshua noong 2019. Pero maayos naman daw ang pakikitungo nila sa isa’t isa pagkatapos ng breakup.

https://balita.net.ph/2024/04/26/joshua-garcia-di-kayang-bumalik-sa-pelikula-nang-wala-si-julia-barretto/