Handa na nga ba sa kissing scene ang nagbabalik-tambalan na sina “Unhappy For You” stars Joshua Garcia at Julia Barretto?

Sa latest episode ng “On Cue” noong Miyerkules, Abril 24, hindi makapaniwala si ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipe na walang on-screen kiss sina Joshua at Julia sa lahat ng ginawa nilang pelikula.

“I can’t believe lang kanina during our NMA [New Movie Alert] that you haven’t had that kissing scene together,” saad ni MJ.

Relasyon at Hiwalayan

Arci Muñoz, handang iwan ang career para sa pag-ibig?

“He had his first on-screen kiss with someone else and my first with someone else,” wika ni Julia. 

“Mine’s with Janella,” sabi naman ni Joshua. 

Segunda ni Julia: “Mine is with Gerald.” 

Natawa naman ang aktres at pabirong pinalo sa balikat si Joshua nang mag-react ito na parang nasaktan.

“Siraulo ka talaga! Ang galing-galing mo talaga,” natatawang sabi ni Julia.

“Joke lang, joke lang!” hirit naman ni Joshua.

Pero inamin naman ng dalawa na may on-screen kiss sana sila sa pelikulang “Block Z” ni Mikhail Red noong 2020.

“But they decided not to include it. Remember the pool? Duguan in all,” pagpapaalala ni Julia sa ex.

“A, oo. Tama. Kasi saglit lang, e. Saka parang nanginginig din kasi tayo do’n sa eksena kaya ‘di magandang tingnan.’Di romantic. So, parang ni-reserve nila—”

“For this [‘Unhappy For You’],” dugtong ni Julia.

“Pero ‘di lang kiss,” pahabol ni Joshua.

Sey tuloy ni MJ: “Ay, totoo? [...] Thanks for spoiling.”

Matatandaang nagkahiwalay sina Julia at Joshua noong 2019. Pero maayos naman daw ang pakikitungo nila sa isa’t isa pagkatapos ng breakup.

In fact, sa isang panayam ay pinayuhan pa raw ni Julia si Joshua na huwag munang mag-jowa dahil bata pa raw ito at mahusay na aktor.

MAKI-BALITA: Julia Barretto, pinagbawalang mag-jowa ang ex na si Joshua Garcia

Samantala, bago pa man ang kanilang movie comeback na “Un/Happy For You,” nauna nang magbalik-tambalan sina Joshua at Julia sa music video ng kantang “Paubaya” ni Moira noong 2021