Hindi raw nakaligtas ang direktor na si Cathy Garcia-Sampana matapos nitong dumalo sa birthday party ni Kapamilya star Daniel Padilla.

Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Miyerkules, Mayo 1, iniulat ni Cristy ang himutok umano ng fans ni Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo sa pagdalo ng nasabing direktor sa birthday party ng ex nito.

“Ayon sa mga fans ni Kathryn ay nagsalita raw itong si Direk Cathy na parang mas kampi siya kay Daniel dahil nagpunta doon sa birthday party,” saad ni Cristy.

“Opo, ‘yon ang napansin ng ating mga basher, mga kaibigan, mga mambabasa. Na bakit gano’n? Ang alam nating lahat, mas malapit ito kay Kathryn. Pero bakit no’ng birthday ni Kathryn wala si direktor?” segunda ng co-host niyang si Romel Chika.

Tsika at Intriga

Heart 'naiyak' dahil sa bagong glam team, anyare?

Kaya naman, pinagtanggol ni Cristy si Direk Cathy laban sa mga batikos na natatanggap nito.

Ayon sa kaniya: “Hindi ako naniniwala na sasabihin niya na mas kampi siya kay Daniel. [...] Huwag tayong bumili ng kakampi. Huwag tayong humamig ng kakampi sa atin. Ang naghiwalay, si Daniel at si Kathryn. Ano namang kinalaman ng ibang tao do’n?”

“Ipagpalagay na nating nagpunta si Direk Cathy Sampana sa birthday ni Daniel Padilla. Bakit? Wala ba siyang karapatan? Naging artista niya si Daniel,” dugtong pa niya. 

Kaya mas maganda raw tingnan na ang ginawa umanong pagdalo ng nasabing direktor ay isang anyo ng pakikisama para sa dalawang artista na naging bahagi ng karera nito bilang direktor.

MAKI-BALITA: ‘May kapiling ka ng iba!’ Daniel, napamura habang bumibirit ng kanta sa birthday celebration