Tinanong ang “Makiling” star na si Derrick Monasterio tungkol sa reaksiyon niya sa pagshi-ship ng fans sa girlfriend at leading lady niyang si Elle Villanueva at sa co-star nilang si Kristoffer Martin.

Sa ulat na inilabas ng GMA Entertainment nitong Martes, Abril 30, sinabi raw ni Derrick na proud ang aktor sa dalawa dahil kinakapitan daw ng mga tao ang karakter ng dalawang taong pinakamamahal niya sa industriya ng showbiz.

“Walang competition. Basta ako binigay ko ang best ko sa show. Kung hindi man ako ang kinapitan nila, okay lang. Basta silang dalawa ang mag-flourish, kasi close ko 'tong dalawang 'to,” pahayag ni Derrick.

Kaya naman, hindi rin naiwasang maitanong kay Derrick kung bukas ba siya sa posibilidad na i-partner sa ibang aktor si Elle.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

Ayon sa kaniya: “Sad pero ready. Sinasabi ko 'yon kay Elle palagi na: 'Alam mo kung makakabuo ka ng successful love team sa iba, sobrang susuportahan kita doon kasi siyempre marami rin siyang matutunan sa ibang artista na mas magaling, mas may input. Importante na ma-explore niya rin lahat, e.”

“Kung matatali siya sa akin forever, baka hindi siya mag-grow. So, importante rin na may makatrabaho siyang ibang tao and sobrang supportive ako diyan kay Elle,” dugtong pa niya.

Matatandaang nagkakilala sina Elle at Derrick nang magkasama silang dalawa afternoon series na “Return to Paradise.”

MAKI-BALITA: Derrick Monasterio kakalmahin, ayaw pakawalan ni Elle Villanueva sa kama