Viral sa social media ang pagregalo ng isang groom sa kaniyang bride ng cash na umaabot daw sa isang milyong piso.

Base sa ">TikTok post ng wedding host na si Lester Dave Verano, makikita ang video ng pagbukas ng groom ng isang maleta na naglalaman ng pinagdugtong na tag-iisang libong piso.

Pagkatapos ilabas ang pinagdugtong na mga pera ay iniladlad ito ng groom at isinuot sa kaniyang bride ang isang dulo nito na animo’y ginawang kapa.

“1 Million pesos cash gift from the groom to his wife! 1 Million na sana all! Surprise gift from the groom!!💸” ani Verano sa kaniyang post.

Human-Interest

Jeep pandagat na naimbento ng mekaniko, nagpamangha sa netizens

“Congratulations couple!!” saad pa niya.

Habang sinusulat ito’y umabot na sa mahigit 3.1 million views sa TikTok at 465 shares sa Facebook ang naturang post ni Verano.

“It’s not only the value of the money it represents. It also represents how reliable and responsible the man is. it means ‘don't worry about anything, just be my wife. I can take care all other things’,” saad ng isang netizen sa comment section.

“Iyan ay isa sa mga paraan para mapakita mo sa magulang ng asawa mo na ‘don’t worry po at never magugutom ang anak nyo sa akin.’ Sarap sa feeling niyan, promise,” komento naman ng isa.

“Sanaol ❤️,” hirit din ng isang netizen.