Kumakalat ngayon ang video clip ni Kapamilya star Daniel Padilla habang kinakanta niya ang “Hinahanap-hanap Kita” ng Rivermaya sa kaniyang 29th birthday celebration.

Sa ibinahaging video ng Kapamilya Kingdom nitong Lunes, Abril 29, matutunghayan sa naturang video ang pagmumura si Daniel.

“Potang ina! May kapiling ka ng iba! Sa umaga’t sa gabi sa bawat minutong lumilipas, hinahanap-hanap kita,” awit ng aktor.

Tila ipinagpapalagay ng uploader na ang pinatutungkulan ni Daniel ay ang pagkakamabutihan ng ex-jowa niyang si Kathryn Bernardo at ng “Hello, Love, Goodbye” co-star nitong si Alden Richards.

Relasyon at Hiwalayan

Melai Cantiveros, itinangging niloko siya ni Jason Francisco

Inedit kasi ang naturang video at itinabi roon ang clip ng sweet moments nina Alden at Kathryn na kuha noong nagkaroon ng surprise birthday party para sa huli kung saan makikitang magkayakap ang dalawa.

Matatandaang lumutang kamakailan ang kuwento na nanliligaw na raw si Alden kay Kathryn. Bukod pa rito ang kuwento na mas bet daw ito ng mga magulang ng aktres kaysa kay award-winning actor Jericho Rosales.

MAKI-BALITA: Alden Richards, nanliligaw na raw kay Kathryn Bernardo

MAKI-BALITA: Alden mas bet ng pamilya ni Kathryn kaysa kay Jericho, bakit naman?

Pero nang tanungin si Alden tungkol sa real-score nilang dalawa ni Kathryn, sinabi lang niya na “what you see is what you get.”

MAKI-BALITA: Alden sa relasyon nila ni Kathryn: ‘What you see is what you get’