Hindi napigilan ng isang lola na humagulgol dahil sa labis na pasasalamat sa natanggap niyang blessings.

Viral ngayon sa TikTok ang video ng ">Misuari Travel & Tours dahil sa pagtulong nila kay lola na nagtitinda ng mais.

Trending

Ogie Diaz, nag-aalala kay 'Boy Dila'

“Laban lang sa buhay nanay. Maraming salamat panginoon dahil sa binibigay mong opportunity na makatulong pa sa mga tao,” saan ng Misuari sa caption ng video.

Mapapanood sa naturang video ang pagbibigay nila ng grocery items at sako-sakong bigas kay lola.

“Kung sinuman ang nagbigay nito malaking tulong po ito sa akin. Marami pong salamat,” naiiyak na sabi ni lola.

“Ngayon lang ako nakatanggap ng ganito karami. Kung sinuman ang tumulong nagpapasalamat po ako sa inyo. […] Isasali ko kayo sa panalangin ko kung sinuman kayo, lahat-lahat kayo. Lalo na ikaw, sir,” saad pa ni lola.

Patuloy ang hagulgol ni lola dahil sa labis na pasasalamat. Bukod sa grocery at bigas, nagbigay rin ng P10,000 ang Misuari Travel & Tours.

“Marami pong salamat. Itong perang ito ibili ko ng gamot at i-capital ko sa mais. Marami pong salamat wala po akong ibang sasabihin [kundi] maraming salamat po sa inyo,” sabi pa ni lola.

Sinabi rin niya na kaya raw siya umiiyak dahil sa sobrang saya at dahil ngayon lang daw siya nakatanggap ng ganoong karaming blessings.

Umani naman ng mga reaksyon mula sa netizens ang naturang video na mayroon nang 1.4 million views, 177.2K reactions, at 9235 comments, habang isinusulat ito. 

“Ako lang ba yung ganto... yung after akong may matulungan, parang may endless guilt akong nararamdaman ksi lagi kong tanong after is "Pano na sya bukas? Sa next week or sa next month?" Yung alam mong konti lang naibigay mo at alam mong di yun mgkakasya nang pangmatagalan and alam mo ring hirap na hirap sila sa buhay 😥😥😥 Basta ganon😅”

“Kaway kaway sa mga lola lumaki, ramdam ko luha niyo🥺”

“Lord sana PAYAMANIN MO KAMI LAHAT DITO SA COMMENT SECTION para makatulong din kami! 😭😭”

“ito ang dahilan bat gusto ko yumaman e😭😭😭”

“pagdating sa mga lolo at Lola ambilis tumulo ng luha ko 🥺 imbes Kasi nagpapahinga nalang sila at ineenjoy nalang nila ang kanilang life pero kailangan pa nila magtrabaho para mabuhay sa pang araw araw nakakaiyak talaga 🥺 pag nakakakita ako ng ganyan 😌”

“Oo hndi natin obligasyon yung magulang natin , pero anu ba naman yung maisip mo man lang kung paanu ka inalaagaan ng nanay mo mula bat kapa 😢 salute sayo sir 🙏☺️more blessings”

“lord kahit wag mo muna po tuparin pangarap ko sila po muna makakapag hintay pa po ako sa perfect timing mo 🥺🥺”

“Waahhh sakit sa heart… cguro kung mayaman din ako natulong ako sa matatanda…. 🥺😭”

“This kind of content such a role model. God bless to you Sir! 🙏🙏🙏”

“naluha ako.. now kasi ung time na bumabawi ako sa parents ko pati sa Lola ko at sa sarili ko narin. from pasaway to being a better person.. ❤️”

“Thank you ng madami sa pagtulong kay nanay🥺 God bless po.

"Anyways this video is a realization for me na dapat talaga ako mag ready for this kung papalarin umabot sa ganitong edad ni nanay.”

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!