Ibinahagi ng direktor at writer na si Ronaldo Carballo ang opinyon niya kaugnay sa muling pagbabalik umano ni Kapamilya star Angel Locsin sa GMA Network.

Sa kaniyang Facebook post nitong Lunes, Abril 29, sinabi ni Ronaldo na tila mahihirapan daw si Angel na magkaroon pa ng pwesto sa GMA.

“Kung si BEA ALONZO nga, di makaporna. Yumaman lang sya lalo dahil sa laki ng kontrata, pero WALA pang ginawang magandang proyekto si Bea kahit isa, mula nang lumipat sya sa GMA 7, almost 3 years na ang lumipas,” saad ni Ronaldo.

“Syempre, nar'yan na ang Prime Actress-Box-Office Queen at Primetime Queen ng GMA7 na si MARIAN RIVERA na alagang-alaga nila sa magagandang proyekto, like ang ongoing nyang comeback Teleserye na ‘My Guardian Alien,’” aniya.

Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’

Dagdag pa ni Ronaldo: “Pero bago pa banggain ni Angel Locsin sina Bea at Marian, dadaan muna sya sa Vivamax A-Lister pornstar na si ANGELI KHANG na bini-build-up ng GMA7 ngayon bilang malaswang bold partner ni Ruru Madrid sa ‘Black Rider.’”

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag ang kampo ni Angel para kumpirmahin o pabulaanan ang naturang tsika.

Matatandaang kamakailan lang ay lumutang din ang kuwento na papasok daw si Angel sa teleseryeng “Batang Quiapo” pero agad din naman itong pinabulaanan.

MAKI-BALITA: Sa pagkawala ni Jaclyn Jose: Angel Locsin, papasok sa Batang Quiapo?