Naaliw ang mga netizen sa ibinahagi ng Kapuso singer-actor na si Christian Bautista hinggil sa pag-uusap nila ng iconic at beteranong singer na si Jose Mari Chan.

Kapag malapit na kasi ang "Ber Months," asahan na ang iba't ibang magsisilitawang memes patungkol sa kaniya, na siyang umawit ng "Christmas In Our Hearts" hudyat na nagsisimula na ang pagdiriwang ng "mahabang" Pasko sa Pilipinas.

Ayon kay Christian, biniro niya si Jose Mari Chan na baka puwedeng kumanta na ito para lumamig-lamig naman.

"Sir JMC, Can we just stop and talk awhile ? kailangan na po namen ang boses nyo para lumamig ng konti napakainit ng panahon po sobra!" sabi raw ni Christian.

Tsika at Intriga

Gretchen kumain ng 'piattos' habang pinanonood si PBBM: 'The New Teleserye'

"April pa lang Christian malayo pa September... life is a Constant Change lalamig din sa tamang Panahon..." sey naman ng singer.

"Parang awa nyo na po let us sing Merry Christmas na ...and a happy holidays....we need some Christmas in our hearts Baka naman po..." hirit pa ni Christian.

"Christian let us Refrain a little from going outside too much muna. Para di ma heatstroke..." nasabi na lang daw ng tinaguriang "Father of Christmas Songs."

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento sa netizens:

"Parang awa nyo na Po aw hahahaha"

"Natumpak lahat ng songs ni JMC hehehe while reading it naririnig ko ung versions mo sir Christian Bautista sa romance revisited hehehe."

"Life is a constant change, words from a wise man."

"kanta n po kyo please hehehe sobrang init po kc"

"Tama naman si JMC, April pa lang naman, pagsapit ng last week ng August, mapapagod na Siya Hanggang mid of January."