Ipinagtanggol ni showbiz columnist Cristy Fermin ang komedyanteng si Dennis Padilla kaugnay sa umano’y kulang na sustento sa mga anak nito kay Linda Gorton.

Sa isang episode ng “Cristy Ferminute” nitong Lunes, Abril 29, sinabi ng showbiz columnist na responsableng ama pa rin si Dennis dahil alam pa rin nito ang obligasyon sa mga anak.

“Ako naman, ang iniisip ko, responsable pa ring ama si Dennis Padilla dahil kahit kakaunti lang ang kaniyang proyekto, alam niya ang kaniyang obligasyon sa kaniyang mga anak na nasa Australia ‘di ba?” pahayag ni Cristy.

“Kaya lang kung kulang, naku, marami po akong alam na kuwento hindi talaga nagsusustento ang ama sa kaniyang mga anak,” aniya.

Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’

Dagdag pa niya: “Hindi na lang tayo nagsasalita pero dapat ay magpasalamat na lang din tayo sa mga ama na nagpapadala ng mga sustento, ‘di ba. Gano’n lang ‘yon.”

Matatandaan kasing tinanong si Dennis sa isang panayam kung kaibigan pa rin ba niya hanggang ngayon si Linda.

“Through text lang. Sa mga co-parenting na lang. So every time we text kung ano ang kailangan sa school, mga gano’n. Papadala ka na lang ng child support, mga gano’n na lang. Co-parenting na lang talaga kami,” saad ni Dennis.

Pero nilinaw ni Linda sa pamamagitan ng isang social media post na hindi raw consistent ang pagbibigay ni Dennis ng suporta sa anak nilang sina Gavin at Maddie. Kailangan pa nga raw niyang kulitin si Dennis para makapagpadala ng pera.

MAKI-BALITA: Dennis Padilla, pumapalya ang sustento sa anak sa Australia?