Inamin ng Kapuso actor na si Yasser Marta na nahulog daw ang loob niya kay Optimum Star Claudine Barretto na nakasama niya sa teleseryeng “Lover and Liars.”

MAKI-BALITA: Claudine Barretto balik-teleserye sa GMA

Sa isang episode ng “Sarap ‘Di Ba?” noong Sabado, Abril 27, pinili ni Kapuso actress Liezel Lopez si Yasser na maupo sa hot seat. Isa sa mga naitanong sa kaniya ay ang tungkol sa closeness nila ni Claudine.

"Mula nang magkasama kayo sa isang soap, madalas kayong nakikitang magkasama ni Ms. Claudine Barretto off-cam. On a scale of 1 to 10, gaano mo ire-rate ang level ng closeness/ intimacy ninyo ni Ms. Claudine Barretto?" tanong ni Liezel.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

"Well, sa closeness namin ni Ms. Clau, 10 talaga. Sobrang naging close kami noong ginagawa namin ‘yong ‘Lover and Liars.’ Alam mo ‘yon, pati ‘yong mga anak niya naging kaibigan ko rin talaga," sagot ni Yasser.

Bukod dito, diretsahan ding tinanong si Yasser kung nagkaroon ba siya ng feelings kay Claudine. Ayon sa kaniya: "I am going to be honest. Ako naman, 'yong naramdaman ko at that moment, naging totoo ako. Gusto ko naman talaga si Claudine."

"Kahit sino namang lalaki magugustuhan pa rin po siya. Bukod sa mabait, napakalambing, napakabuti ng puso niya," aniya.

Dagdag pa ng aktor: "Single naman po ako, I guess siya rin. Siguro na-develop na lang din po ako."

Matatandaang kinumpirma ng showbiz insider na si Rose Garcia noong Nobyembre 2023 ang tungkol sa hiwalayan nina Yasser at ng ex-jowa nitong si Kate Valdez.

MAKI-BALITA: Yasser Marta, Kate Valdez hiwalay na