Tila wala raw paglagyan ang nararamdamang saya ngayon ni Mary Anne Ranollo matapos tuluyang hiwalayan ng kaniyang anak na si Bea Alonzo ang fiancé nitong si Dominic Roque.

Sa latest episode ng “Showbiz Now Na” nitong Linggo, Abril 28, ibinahagi ni showbiz columnist Cristy Fermin ang nasagap niya umanong balita tungkol kay Mary Anne.

“Isang kaibigan po namin ang nakakita sa kaniya sa isang lugar at ang sabi: ‘Mary Anne, bakit ba ang saya-saya mo? Kakaiba ang saya mo ngayon, saka ibang-iba ang bukas ng mukha mo’,” saad ni Cristy.

“Ang sabi ni Mommy Mary Anne: ‘Masaya ako, hiniwalayan na talaga ng anak ko [si Dominic],” aniya.

Tsika at Intriga

KaladKaren, ginamit na pangalang 'Jervi Wrightson' sa pagbabalita

Dagdag pa ni Cristy: “Syempre ‘yong source natin: ‘Ay, naku dapat lang naman noon pa talaga, e. Kilalang-kilala ko ang lalaking ‘yan.”

Matatandaang naiulat noong nakaraang buwan, Marso 29, sa isang episode din ng “Showbiz Now Na” na malabo na raw na magkabalikan pa sina Dominic at Bea dahil sa mahigpit na pagtutol ni Mary Anne.

MAKI-BALITA: Mommy ni Bea, tutol sa pakikipagbalikan ng anak kay Dominic?

Bukod dito, lumutang din ang kuwentong pinagalitan umano si Bea ng kaniyang ina matapos nitong malaman ang pagpapatulog kay Dominic sa bahay nito.

MAKI-BALITA: Bea, pinagalitan daw ng ina matapos patulugin si Dominic sa bahay niya

Lalo tuloy lumakas ang alingasngas na nagkabalikan na ang dalawa nang itsika ni showbiz insider Ogie Diaz ang tungkol sa pagtulog umano ni Dominic sa bahay ni Bea.

MAKI-BALITA: Kahit hiwalay na: Dominic, nakitulog pa rin daw sa bahay ni Bea?

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag ang mga sangkot na personalidad para kumpirmahin o pabulaanan ang naturang isyu.