Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Lunes ng hapon, Abril 29, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 1:59 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 102 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental, na may lalim na 38 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.