Inamin ng social media personality na si Jayson Luzadas o mas kilala bilang Boss Toyo na nanghinayang daw siya na hindi niya nabili ang orange Chevrolet Corvette ni Kapamilya star Daniel Padilla.

Matatandaang noong Enero ay may lumapit na seller kay Boss Toyo para ibenta rito ang sports car ng aktor na nagkakahalaga ng ₱6.5 milyon.

MAKI-BALITA: Milyones na sports car ni Daniel Padilla, ibinebenta kay Boss Toyo

Kaya sa isang ulat ng PUSH kamakailan, sinabi ni Boss Toyo na kikita raw sana siya sa nasabing sasakyan dahil malaki ang puhunan. 

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Pero inihayag din niya ang dahilan kung bakit mas pinili niyang hindi ito bilhin.

“Kasi hindi ko rin naman kaya bilhin lahat. Akala nila mayaman na ako. Pero hindi gano’n ‘yon. Hindi talaga gano’n ‘yon,” saad ni Boss Toyo.

“Talagang lahat pinaghihirapan ko para mabili ko ‘yong mga gamit na ‘yon. I’m not into cars so ‘pag binili ko ‘yon, hindi ko pa siya iba-buy and sell agad, e,” aniya. 

Dagdag pa niya: “So matutulog. Kaya hindi namin talaga pinursue. Nag-offer pero di nagkasundo.”

Matapos hindi magkasunod sa presyo, naibenta ang sports car sa isang vlogger/online stream gamer na may pangalang “Perkz Gaming” o tinawag ding “Tito Paldo.”

MAKI-BALITA: ‘May nanalo na!’ Sino nagka-interes bumili sa sports car ni Daniel Padilla?