Bentang-benta sa mga netizen ang isang social media personality na kamukha ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga-Soriano na kinaaaliwan ngayon sa TikTok.

Ang nabanggit na online personality ay nagngangalang "Christine Loi Cabanza Arcueno" o mas kilala sa palayaw na "Loi."

Pumalo na nga sa 4.2M views as of this writing ang panggagaya niya sa "Galante ang mga Hapon" scene ni Toni mula sa pelikulang "Wedding Tayo, Wedding Hindi" na pinagbidahan nila nina Eugene Domingo, Wendell Ramos, at Zanjoe Marudo, sa ilalim ng Star Cinema.

[embed]

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa kaniyang social media platforms naman ay makikita ang ilan pa sa mga panggagaya ni Loi kay Toni na talaga namang nagdudulot ng saya sa mga netizen.

[embed]

Wish nga raw nila, sana makadaupang-palad ni Toni si Loi at makapanayam sa "ToniTalks," ang sikat na talk show-vlog ng TV host-actress.