Inamin ng aktres na si Rosanna Roces na si comedy queen Ai Ai Delas Alas daw ang pinanghihinayangan niyang kaibigan sa showbiz industry.

Sa latest vlog ng actress-politician na si Aiko Melendez kamakailan, ikinuwento ni Rosanna ang dahilan kung bakit nakasamaan niya ng loob si Ai Ai.

“Ang totoong pinag-awayan namin, may show kami sa Dagupan. Kalakasan naming mag-show no’n. ‘Di ko alam before ‘yong show namin, nag-show siya with Ara Mina. So, nag-flop siya nang husto,” lahad ni Rosanna.

“So, ang ginawa ng producer ko–-na hindi ko naman alam—tinanggal siya sa poster. So, no’ng nakita niya siguro, sumama ang loob niya. Nag-decide siya na huwag magbihis no’ng normal naming ginagawa. Tapos ‘di siya dumidikit sa akin. Doon siya sa dalawa kong back-up singer dumidikit,” dugtong pa niya.

Pelikula

Sine Singkwenta: ₱50 na movie ticket, handog ng FDCP at MMFF

Sa kabila ng nangyari sa kanila ni Ai Ai, pinilit daw itawid ni Rosanna ang show dahil nagbayad at gumastos ang mga tao.

Bagama’t hindi na sila muli pang nagkausap pa ng comedy queen matapos ang gabi ng event, bukas naman daw si Rosanna sa posibilidad na magkabati silang muli ni Ai Ai. 

In fact, kinukumusta niya nga raw si Ai Ai sa anak nitong si Sancho Delas Alas nang makasama niya ito sa teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano.” Kaya naman, hinihiling niya na makapag-show ulit silang dalawa in the near future.