Nahingan ng payo ang social media personality-turned-actress na si "Madam Inutz" sa mga nangangarap na makapasok sa "Pinoy Big Brother Gen 11" na bagong season ng nabanggit na reality show.

Si Madam Inutz ay kabilang sa celebrity housemate ng "Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10" dahil sa pagsikat niya bilang unique na online seller.

Payo ni Madam Inutz, dapat daw ay marunong kumilos sa loob ng Bahay ni Kuya ang housemates upang hindi masita ng kapwa housemates para sa nominasyon sa eviction.

"Dapat magiging totoo. Kailangan talaga susunod ka sa mga patakaran, hindi lang sa patakaran, siyempre especially sa mga taong nakakatanda doon sa loob ng bahay," ani Madam Inutz.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Kasi kapag hindi ka kumikilos, nakikita talaga 'yan ng housemates, so talagang kailangan naming piliin 'yong mga taong hindi talaga kumikilos, 'yong nakikitaan namin na parang pa-chill-chill lang, tapos kami naghihirap, gano'n..."

"So ang maipapayo ko, tumanggap ng kamalian, pangalawa siyempre kailangan masipag ka, huwag kang magreklamo sa mga tasks, at siyempre sa mga housemates kailangang mabait ka at marunong kang makisama. 'Yon 'yong the best!"

Matatandaang naging kontrobersiyal ang naging nominasyon noon ni Madam Inutz sa kapwa celebrity housemate na si Chie Filomeno, na "puro paganda" lang daw.

MAKI-BALITA: Madam Inutz: ‘2 points kay Chie kasi wala naman siyang maiambag kundi pagpapaganda’

MAKI-BALITA: Chie Filomeno, nagsalita tungkol kay Madam Inutz

MAKI-BALITA: Chie Filomeno, nagalit nga ba kay Madam Inutz?

Sa kabila nito, hindi naman nagkaroon ng "bad blood" sa pagitan ng dalawa.

Speaking of housemate, nagbigay rin ng payo ang ka-batch nilang si Brenda Mage para sa mga aspiring housemates ng bagong season na ito.

"Sa mga mag audition ng PBB siguraduhin nyo marunong kayo mag SAING nakakahiya naman manonominate lang kayo dahil di ka marunong," aniya.

MAKI-BALITA: Brenda Mage sa mga sasali sa PBB: ‘Siguraduhing marunong magsaing!’