Nag-collab sa isang "₱1000-challenge" ang kapwa Kapamilya stars na sina Ivana Alawi at Paulo Avelino na mapapanood sa YouTube channel ng aktres at social media personality.

Sa nabanggit na challenge, hindi dapat lumampas sa ₱500 ang kanilang pinamili. Nang sinubukan ni Ivana na baratin ang presyo, parang nagsiklab naman ang kalooban ng matandang tindera. Nadismaya ang tindera sa kabaratan ni Ivana na kung tutuusin daw, malaki ang kinikita sa pagba-vlog at pag-aartista.

Nang nagkakainitan at nagkakapisikalan na, tila "dinaga" naman si Paulo sa pag-awat sa dalawang babae.

Sa huli, may pa-grand reveal si Ivana na "prank" lang ang lahat, at ang babaeng tindera pati na ang sales lady ay kasabwat niya.

James sa paglayas ni Liza sa Careless: 'It's her decision'