Bentang-benta sa mga netizen ang "pandodogshow" sa larawan ng aktres at dating ABS-CBN President-CEO Charo Santos-Concio, Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid, at kasalukuyang ABS-CBN Chief Operating Officer (COO) for Broadcast Cory Vidanes habang nasa loob ng Quiapo Church.

Kuha ang larawan mula sa kasal nina Angeline Quinto at non-showbiz partner na si Nonrev Daquina na isinagawa noong Biyernes, Abril 26.

Ang tatlong nasa larawan ay pawang principal sponsors sa kasal.

Makikita sa larawan na habang ang saya-saya ng mukha ni Regine at Cory at seryosong-seryoso naman ang mukha ni Charo.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Nilagyan ng sariling caption ang nabanggit na larawan ng "nandogshow" na netizen.

"Dear @reginevalcasid,

Ang ingay ninyo. Nasa simbahan pa naman tayo.

Nagtitimpi,

Charo."

Nakarating naman ito sa kaalaman ni Charo at shinare din sa kaniyang Instagram stories.

Photo courtesy: Charo Santos-Concio (IG)

Shinare na rin ang screenshot nito sa iba't ibang pages.

Aliw!