Nahuli ng dalawang pulis ang kani-kanilang mga asawang pulis din na may ginagawang "kababalaghan" sa loob ng kotse habang nakatigil sa parking lot ng isang mall sa Calamba, Laguna noong Abril 25.

Ayon sa ulat, naaktuhan ng 39-anyos na lady police master sergeant at 41 anyos na police major ang kani-kanilang mga asawang nagtatalik sa loob ng kotse, matapos nilang makatanggap ng impormasyon na magkasama ang dalawa sa nabanggit na parking lot.

Nang maaktuhan, komprontahin,  at magtangkang tumakas, binaril umano ng lady police master sergeant ang kaniyang mister na isang police officer sa binti at balikat, na nakatalaga sa Police Regional Office 4-A. Ang babaeng pulis naman ay sinasabing police executive master sergeant na misis naman ng nagrereklamong police major.

Nakalayo naman daw ang babaeng pulis na misis ng police major patungong Batangas.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Dinala sa ospital ang mister ng lady police master sergeant habang tinutugis naman ang misis ng police major. Nahaharap daw ang dalawa sa mga kasong adultery at concubinage.