May pabirong hirit ang Unkabogable Star na si Vice Ganda hinggil sa boses ng kaniyang “It’s Showtime” co-host na si MC Muah.

Sa latest episode kasi ng naturang noontime show nitong Sabado, Abril 27, ipinagdiwang ng isa pa nilang co-host na si Kim Chiu ang kaarawan nito.

Kaya naman, nagpaabot ng kani-kanilang mensahe ang “Showtime” family para kay Kim. At si MC ang pinauna ni Vice Ganda.

“Quick message, MC [kay Kim Chiu],” sabi ni Vice Ganda.

Tsika at Intriga

Jessy niresbakan bashers ng pagsabak ni Luis sa politika

Tumalima naman si MC: “Classmate, happy happy birthday sa 'yo—”

“Ba't classmate?” putol ni Vice.

“De, classmate kasi ang tawagan namin—”

“Ba't ganyan 'yong boses mo kumi-Cristy Fermin ka?” agaw ulit ni Vice sa nagpapaliwanag na si MC.

Pero sa halip na sumagot, natawa lang si MC at ang iba pang co-host. Nagsigawan din ang studio audience at tila nawindang din sa sinabi ni Vice Ganda.

“Sabihin mo nga, bwak bwak bwak bwak!” utos pa ni Vice kay MC.

Sumunod naman si MC: “Bwak bwak bwak bwak!” 

Lalo tuloy lumakas ang sigawan at tawanan sa loob ng studio. 

Matatandaang bago pa man ito ay ilang beses nang ginagamit ni Vice Ganda ang “bwak bwak bwak” bilang patutsada sa isang personalidad na hindi naman niya pinapangalanan kung sino. 

MAKI-BALITA: ‘Bwak bwak bwak bwak!’ Post ni Vice Ganda, pang-asar kina Cristy at Romel?

MAKI-BALITA: ‘Pang-asar’ ni Vice Ganda sa bashers: ‘Nananalo pa rin ako, Bwak Bwak Bwak Bwak!!!’

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang tugon, pahayag, o reaskiyon hinggil dito.