Ikinatuwa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang natanggap na “Jollibee doll” na regalo raw sa kanila ng Filipino fast food chain na Jollibee.

Sa isang Instagram post nitong Sabado, Abril 27, ibinahagi ni PBBM ang masayang larawan niya habang hawak ang manika at ang kopya ng sulat ng Jollibee para sa kanila ng asawang si First Lady Liza Araneta-Marcos.

Nakalagay sa sulat ng Jollibee na regalo nila ang doll sa First Couple bilang isang “token of gratitude” kasunod ng pag-post ng mga ito kamakailan ng larawan ng kanilang “dinner” habang nasa harap nila ang chickenjoy at iba pang pagkaing isine-serve ng fast food chain.

National

PBBM, FL Liza na-inspire kay New Zealand PM Luxon na kumain ng Jollibee

Kaugnay nito, sa kaniyang post ay nagpasalamat naman si PBBM sa Jollibee dahil nire-represent daw nito ang “Filipino warmth” at “hospitality” sa iba’t ibang dako ng mundo.

“Thank you, Jollibee, for proudly representing Filipino warmth and hospitality worldwide,” anang pangulo.

“You spread joy to our kababayans wherever they are. We wish you more success, both here at home and around the world! 🇵🇭🍔,” dagdag pa niya.