Lumutang daw ang kuwentong buntis si “Asia’s Limitless Star” Julie Anne San Jose matapos siyang hindi makadalo sa concert ni Asia’s Songbird Regine Velasquez kamakailan.

Sa isang episode kasi ng “Cristy Ferminute” noong Huwebes, Abril 25, iniulat ni showbiz columnist Cristy Fermin ang pinag-ugatan umano ng naturang intriga patungkol kay Julie Anne.

“Kasi nga po nag-vomit itong si Julie Anne San Jose kaya hindi siya nakadalo sa concert ni Regine Velasquez—na gustong-gusto niya,” saad ni Cristy.

“Ayun, pagkatapos na ma-ospital at napabalitang nagsuka nang nagsuka. Ano na naman ang sumunod na kuwento? [...] Aba, ang sabi e preggy na raw kay Rayver Cruz,” aniya.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Sey tuloy ng co-host niyang si Romel Chika: “Ang kuwento talaga. Nakakaloka! Napakabilis tumalon. Diyos ko, sumasakit pa lang ang tiyan. Severe stomach pain lang po ito. Hindi po nagdadalang-tao.”

Kaya sabi ng showbiz columnist, napakaimposible raw na totoo ang balitang buntis si Julie Anne. Huwag na raw pag-isipan pa ng kung ano-ano ang dalawang mag-jowa dahil alam naman nila ang kanilang ginagawa.

Matatandaang nauna nang umabiso si Julie Anne na hindi siya makakadalo sa naturang concert ni Regine sa pamamagitan ng social media post. Samantala, pinasalang naman si Kapamilya singer-actor Darren Espanto bilang kapalit niya.