Ibinahagi ni Kapamilya star Julia Barretto ang love advice na ibinigay sa kaniya ng ina niyang si Marjorie Barretto sa latest episode ng Toni Talks nitong Biyernes, Abril 26.

Ayon kay Julia, hindi raw nangingialam si Marjorie sa buhay pag-ibig niya. Pero kapag handa na raw siyang pumasok sa pakikipagrelasyon, may paalala sa kaniya ang ina niya.

“‘Julia, don’t lose who you are.’ Parang ‘still have your own identity.’ ‘Di ba usually when we become in a relationship parang nagiging identical ka na do’n sa partner mo,” saad ni Julia.

“So, she just didn’t want. So wanted me to make sure na I still had my individuality,” dugtong pa niiya.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“Paano mo naki-keep ‘yon for yourself?” usisa naman ni Ultimate Multimedia Star Toni Gozanga.

“May daily check-in ka,” sagot ni Julia.

Bukod dito, ibinahagi rin ni Julia ang common ground umano nila ng jowa niyang si Gerald Anderson.

“We’re both a Pisces. Water babies kami. We love the sun, we love the water, the oceans, we love activities,” sabi ng aktres.

Gayunpaman, ang pagkakaiba raw nila sa isa’t isa ang nagpapasaya sa kanilang relasyon. Sa kasalukuyan, limang taon na silang mag-jowa ni Gerald.