Ibinahagi ni Kapamilya star Julia Barretto kung ano ang espesyal sa relasyon ng jowa niyang si Gerald Anderson sa latest episode ng Toni Talks nitong Biyernes, Abril 26.

Ayon kay Julia, secure daw si Gerald sa kanilang relasyon kaya na-aappreciate niya ang kaniyang jowa sa gano’ng katangian.

“He’s so secure in our relationship. Parang siya talaga ‘yong nagiging anchor ng relationship,” saad niya.

“So when I see how the confidence that he has in our partnership syempre it makes you confident in what you guys have. So, I appreciate that,” dugtong pa niya.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Kaya ngayong limang taon na sila ni Gerald, may hindi naiwasang itanong ni Ultimate Multimade Star Toni Gonzaga: “Nasa chapter 5 na kayo, ito na ba ‘yong nagse-settle ang mga dust?”

Syempre there are still things that I navigating for myself. ‘Yong chapter 5 is just getting to the exciting part,” sagot ni Julia.

Bukod dito, ibinahagi rin ni Julia ang ibiniagay na payo sa kaniya ng ina niyang si Marjorie Barretto when it comes to love.

MAKI-BALITA: Love advice ni Marjorie kay Julia: ‘Don’t lose who you are’