Ilang beses daw kumapit noon sa patalim ang frontman ng bandang Itchyworms at Rocksteddy na sina Jugs Jugueta at Teddy Corpuz nang manganib sa “It’s Showtime.”

Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Huwebes, Abril 25, napag-usapan ang tungkol sa naging adjustment nila mula pagbabanda hanggang sa maging bahagi sila ng naturang noontime show.

Ayon kay Jug, malaki raw ang pinagkaiba ng pinagmulan nilang mundo ni Teddy bilang mga musikero kumpara sa pagho-host ng isang show. Nagsimula kasi bilang morning show ang “Showtime” kaya nahirapan sila noong una dahil nasanay silang late nang natutulog at nagigising.

Bukod dito, naibahagi rin nila ang tungkol sa umano’y muntikang pagpapaalis sa kanila sa “It’s Showtime“ kaya napilitan silang kumapit daw sa patalim. 

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Saka ilang beses na ‘yong kapit sa patalim tayo,” wika ni Jugs.

“Oo, as in para kaming ano, may mga words na naririnig kami. Pero kumapit kami sa patalim,” ani Teddy.

Samantala, wala na namang iba pang detalyeng tinukoy sina Teddy at Jugs kung paano ang ginawa nilang pagkapit sa patalim.

Pero sa awa naman ng Diyos, nagpapasalamat daw sila dahil hanggang ngayon ay nasa “It’s Showtime” pa rin silang dalawa.