Sumagot na raw ang aktres na si Carmina Villarroel sa mga netizen na binibigyan ng ibang kahulugan ang kaniyang mga social media post.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Biyernes, Abril 26, tinanong daw ni showbiz insider Ogie Diaz ang reaksiyon ni Carmina sa mga umaaligid ditong intriga. 

“Ang sabi sa akin ni Carmina, nagtataka rin daw siya. Bakit pilit na ikino-connect sa mga cryptic post niya ‘yong mga nangyayari sa mga isyu sa kaniyang mga anak. Wala naman daw kinalaman ‘yon. Bakit daw siya dinadamay? E, normal na raw naman sa kaniya na nagpo-post ng cryptic post,” saad ni Ogie.

“Kasi, ‘pag mayro’n daw siyang nadadampot sa FB na maganda at worth i-post, ipino-post daw niya. Kaya nagpapasalamat siya ay nagpapasalamat sa atin. Buti na lang daw e dinedepensa natin siya,” aniya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Matatandaang ipinagpalagay ng mga netizen kamakailan na patama ni Carmina ang post niya kay “It’s Showtime” host Darren Espanto matapos nitong aminin sa isang episode ng naturang noontime show na wala raw siyang girlfriend.

MAKI-BALITA: Resbak para kay Cassy? Cryptic post ni Carmina, pasaring daw kay Darren

MAKI-BALITA: Matapos ang ‘resbak’ ni Carmina; Cassy, nagpasaring din kay Darren?

MAKI-BALITA: Sey mo Cassy? Darren Espanto may inamin, walang girlfriend ngayon

Nauna na ring linawin sa isang panayam ng anak niyang si Cassy Legaspi na wala raw silang pinapatamaang mag-ina sa kanilang social media post. 

MAKI-BALITA: Cassy Legaspi, nagsalita na tungkol sa relasyon nila ni Darren Espanto