May pakiusap ang social media personality na si Xander Ford sa dati niyang partner na si Gena Mago matapos niyang ianunsiyo hiwalay na umano silang dalawa.

Sa kaniyang Instagram story noong Huwebes, Abril 25, mababasa ang pakiusap ni Xander kay Gena.

“‘Yong bata sana ipahiram mo sa amin. Nakikiusap ako sa ‘yo,” saad niya.

Samantala, sa isang hiwalay na Instagram stories ay tila isiniwalat naman ni Xander ang dahilan kung bakit humantong sa hiwalayan ang relasyon nila ni Gena.

Relasyon at Hiwalayan

Melai Cantiveros, itinangging niloko siya ni Jason Francisco

MAKI-BALITA: Xander Ford, ipinagpalit ng partner sa tropa niya?

“Cheat po ba tawag sa kayo pa pero may iba na siyang gusto at kinakausap at kahit may anak na kami, mas pinili niya ‘yong ibang tao kaysa sa amin ng pamilya niya??” saad ni Xander.

“Bakit gano’n, Babe Gena, sa dami mong gugustuhing tao bakit ‘yong kaibigan ko pa?” pagpapatuloy niya.

Dagdag pa ni Xander, “Ang ahas minsan nasa gubat, minsan nasa tahanan lang. Pinatira mo tapos aahasin ka na pala.”

Matatandaang noong Disyembre 2022 ay inanunsiyo ni Xander sa pamamagitan ng Facebook post na isa na siyang ganap na ama.

MAKI-BALITA: Xander Ford, ganap nang ama: ‘Ano pang sabihin nila ipagmamalaki kita’