Naghayag umano ng kanilang opinyon ang mga kaibigan ng showbiz insider na si Ogie Diaz kaugnay sa lasa ng patok na pares ni social media personality Deo Balbuena o mas kilala bilang “Diwata.”

Sa isang episode ng “Showbiz Updates” noong Miyerkules, Abril 24, ibinahagi ni Ogie ang nalaman niyang mula sa kaniyang isang kaibigang kumain umano sa paresan ni Diwata.

“Tinanong ko ‘yong kaibigan kong kumain do’n. Ang sabi ng friend ko, e, parang hindi raw kasundo ng kaniyang panlasa,” lahad ni Ogie.

Pero sabi ng showbiz insider: “Baka kasundo naman ng panlasa ng iba. [...] Siguro iba-iba. Kasi ako, hindi ko pa natitikman. Although ‘yong mga friend ko, nakakarating sa akin na hindi kasunod ng kanilang panlasa.”

Trending

Guro ginawang 'patay' sa Teachers' Day greetings; umani ng reaksiyon sa netizens

“Siguro magandang sinasabi rin natin ‘to para at least aware si Diwata na pasarapin pa lalo ang kaniyang pares lalo na’t bonggang-bongga na siya,” dugtong pa niya.

Matatandaang halos inaraw-araw na ng mga vlogger na itampok si Diwata sa kanilang mga ginagawang content matapos pumatok ng kaniyang paresan kaya nagpaabot ng concern ang mga netizen.

MAKI-BALITA: Diwata halos araw-araw kino-content, ‘ginagatasan’