Sunod-sunod na naglilitawan sa iba’t ibang social media platform ang mga post kaugnay sa naging gusot umano noon nina Unkabogable Star Vice Ganda at award-winning GMA News journalist Jessica Soho.

Matatandaang hindi nagustuhan ni Jessica ang biro ni Vice Ganda tungkol sa kaniya sa concert nitong “I-Vice Ganda Mo Ako sa Araneta” noong 2013. 

Pinalagan umano ng award-winning journalist ang binitawang biro ng komedyante at sinabing hindi umano magandang gawing katatawanan ang gahasa. 

Humingi naman agad si Vice Ganda ng paumanhin sa kaniyang nasabi kay Jessica.

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

Sa latest episode episode ng “Showbiz Updates” noong Miyerkules, Abril 26, sinabi ni showbiz insider Ogie Diaz kung kailan umano nagsimulang ungkatin ng mga netizen ang nabanggit na isyu.

“Sa palagay ko lang, ‘no. Mula noong makatuntong si Vice Ganda at ang ‘It’s Showtime’ sa bakuran ng GMA [...] e do’n na ‘yan naglabasan,” saad ni Ogie.

Segunda naman ng co-host niyang si Mama Loi: “Dahil nga malamang ‘yan ang hinihintay ng mga tao. Kung finally ba magkaharap na sina Vice Ganda at saka si Jessica Soho.”

“At kung ipe-feature ni Jessica Soho sa kaniyang ‘Kapuso Mo, Jessica Soho’ si Vice Ganda,” dugtong pa ng showbiz insider.

Pero ayon sa isang ulat ni showbiz columnist Cristy Fermin noong Hulyo 2023, hindi raw bukas si Jessica na maitampok si Vice Ganda sa programa nito.

MAKI-BALITA: Vice Ganda hindi bet makaharap ni Jessica Soho?