Sa kabila ng kaniyang attractive personality, aminado ang award-winning Kapuso news anchor/journalist na si Atom Araullo na isa raw siyang torpe.

Sa ika-100 episode ng podcast ng kaniyang kapuwa Kapuso journalist na si Pia Arcangel noong Miyerkules, Abril 24, ibinahagi niya ang tungkol sa bagay na ito.

“Torpe, e. 'Yong ano, 'yong half ligaw, kunwari hindi talaga ligaw. Pero 'yon na rin 'yon,” saad ni Atom.

“Ako guilty dyan, e. Guilty as charged. Especially when I was a lot younger in college,” dugtong pa niya.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Kaya naman, hindi nakapagtataka na walang naging jowa si Atom noong kolehiyo. Bukod sa pagiging torpe, ibinahagi rin niya ang isa pang dahilan kung bakit hindi siya nagkaroon ng karelasyon. 

“At the same time, parang, dami ko rin ng mga ibang ginagawa e... Wala rin ako masyadong idle time. So, okay lang,” paliwanag niya.

Maliban kasi sa estudyante siya ng applied physics sa University of the Philippines, nakikilahok din si Atom sa iba’t ibang extracurricular activities. 

In fact, nakamit niya ang unang pwesto bilang Mutya ng National Institute of Physics noon. Naging bahagi rin siya ng student council at football club

Samantala, matatandaang noong 2022 ay inintriga ng mga netizen ang isang post ni Atom matapos nitong magpaabot ng birthday greeting sa news anchor na si Zen Hernandez.

MAKI-BALITA: May nanalo na? Atom Araullo, binati ang news anchor na si Zen Hernandez