Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang Davao Occidental nitong Biyernes ng tanghali, Abril 26.

Ayon sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nangyari ang pagyanig dakong 1:09 nitong Biyernes.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Natagpuan naman ang epicenter ng lindol sa Balut Island, Davao Occidental na may lalim na 145 kilometro.

Dagdag pa ng ahensya, tectonic ang pinagmulan ng naturang lindol.

Wala rin daw inaasahang pinsala at aftershocks.