Nawindang ang mga netizen sa naging tugon ni South Korean star Sandara Park matapos siyang tanungin ng isang netizen kung alin sa mga sex position na nakaimprenta sa kaniyang isinuot na damit ang bet o gusto niya.

Kaya naman bagay na bagay raw talaga kay Dara ang taguring "Pambansang Krung-Krung ng Pinas" dahil sa sagot niya. Nagbahagi kasi ng ilang mga larawan ang dating "2NE1" member ng kaniyang mga larawan habang nasa Paris, France.

Napansin naman ng mga netizen ang iba't ibang sex positions na nakadisenyo sa kaniyang white shirt.

Tanong ng netizen, "Ati, anong fav position mo dito?"

'Para pa ba sa akin 'to?' Zephanie, muntik nang umexit sa showbiz

Tugon ni Dara, "All of the above!"

[embed]https://twitter.com/shiozach_yogiXX/status/1782460879298339141[/embed]

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon sa netizens.

"Grabe ka HAHAHAHAHHA ate naman"

"Sandara Park sa kalat era hahaha."

"Tawang tawa ako sa shirt mo ate hahahaha"

"OMG the print"

"Yan ang sagot hahaha"

"Ibang-iba ka na talaga Sandara hahaha."

Matatandaang sumikat sa Pilipinas ang South Korean national nang maging contestant at mapabilang pa sa finalist sa kauna-unahang "Star Circle Quest" season 1 noong 2004, ka-batch sina Hero Angeles, Joross Gamboa, Roxanne Guinoo, Melissa Ricks, Neri Naig, at iba pa.