Ganap na ngang papasukin ng trending Cebu-based lawyer na si Atty. Oliver Moeller ang mundo ng showbiz matapos niyang pumirma ng kontrata sa Cornerstone Entertainment na siyang hahawak sa kaniyang career.

MAKI-BALITA: Atty. Oliver Moeller, pumirma na ng kontrata sa Cornerstone Entertainment

Nakilala si Atty. Oliver matapos piliin ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee sa segment na "EXpecially For You" sa noontime show na "It's Showtime."

Wala pa mang updates sa kanilang unang date, shini-ship na kaagad si Atty. Oliver ang isa sa mga host nitong si Kim Chiu, na kagaya niya, ay tubong Cebu rin.

Tsika at Intriga

Netizens kay Anthony: 'You look tired. I wanna baby you!'

MAKI-BALITA: Michelle Dee, inunfollow raw si Atty. Oliver Moeller at binura ang pic kasama siya

MAKI-BALITA: Urong-sulong? Michelle fina-follow na ulit si Atty. Oliver

Sa katunayan, naurirat na nga siya kung totoo ba ang tsikang bago pa sumalang sa segment ay crush na niya si Kimmy, at ngayong single na ito, posible bang ligawan na niya ito?

Hindi na rin naman nakagugulat na papasukin na niya ang showbiz, dahil natanong na siya ni ABS-CBN showbiz news reporter MJ Felipe kaugnay nito, nang bumisita siya ulit sa ABS-CBN compound at pumunta pa nga sa "It's Showtime."

MAKI-BALITA: Trending lawyer, bumisita ng ‘It’s Showtime’ para kay Kim Chiu?

Dito na nga siya tinukso kung si Kim Chiu raw ba ang binabalikan niya.

MAKI-BALITA: Atty. Oliver Moeller naurirat kung papasok sa showbiz, nililigawan si Kim Chiu

In fairness, showbiz na rin ang sagot ni Attorney dahil sabi niya, hindi raw fair para kay Kim kung sasagutin niya ito nang wala nitong consent.

Anyways, hindi pa sure kung ano-ano ang mga nakalinyang proyekto para kay Oliver, pero nauntag na nga siya sa media conference ng kaniyang pagpirma sa CE kung sino-sino sa mga sikat na artista ngayon ang bet niya makatrabaho.

Binanggit nga niya ang dalawang Kapamilya A-list stars na sina Kathryn Bernardo at Piolo Pascual, na ayon sa mga tao, ay kamukha niya.

Kaya nga tinatagurian din siyang "Papa Pi ng Cebu."

"From what I heard, I haven't personally met them yet, but I've heard they're amazing people. So, if I'm fortunate enough to get any sort of project with them or even to meet them, I'd be pretty happy," aniya.

"I can be the extra that walks past if they have a project, and I'd be happy."

Willing daw bumiyahe mula Cebu patungong Maynila si Oliver kung sakaling may sigurado na siyang proyekto (sabagay, halos isang oras lang naman ang biyahe by plane).

Pero magpopokus daw muna ang abogado sa paggawa ng content at pagiging influencer lalo na sa pagbibigay ng payo sa fitness, sports, at legal matters.

Handa rin si Oliver na sumabak sa acting o hosting workshops para sa bagong milestone na kaniyang pinasukan.