Inulan ng reaksiyon at komento mula sa mga netizen ang naging rebelasyon ni "Eat Bulaga" host Atasha Muhlach na noong nag-aaral pa lang siya, ₱100 lang daw ang baon niya, bagay na ikinagulat ng co-hosts at "Peraphy" guest na si financial expert-speaker-book author Chinkee Tan.

Inusisa kasi ni Vic Sotto si Atasha kung magkano ang baon nito noong nag-aaral pa lamang.

Nagulat si Chinkee nang sabihin ni Atasha ang halaga.

Segunda pa ni Chinkee, baka naman dolyar o $100.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Pero sey ni Atasha, pesos lang daw talaga.

Pinagmulan naman ito ng diskusyunan sa mga netizen. Pinuri nila ang mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzales dahil naging maganda raw ang pagpapalaki nila sa mga anak na sina Atasha at Andres.

"Sa ibang bansa sila nag aral. Nakaranas ng normal na buhay. Walang vip vip doon. Lahat pantay2. Kaya sobrang naappreciate nila ang maging special dito sa pinas."

"Nakakatawa ung iba na nagko compare, ang point nila dito ay yung 100 lang ang baon nila eh kaya naman ng magulang na magbigay ng mas malaki, let’s just appreciate na maganda ang pagpapalaki ni Aga at Charlene sa mga bata, tsaka mapapansin din na magalang ang mga anak nila at marunong makibagay sa kapwa."

"Maganda pagpapalaki sa knila ng mga magulang nila si Aga Mulach and Charlene,..kya kitang kita mo sa knila, sa kilos, pananalita ung magandang asal, may respeto at magagalang tlagang mga bata."

"They are already Mature at a Young Age. Well Raised Children.."

"Magbabaon pala???akala ko normal lng maglakad pauwi galing skul 🤣🤣🤣 tsk pamasahe lng papuntang skul pera ko....but i made it..thank you Lord."

"20/week noong college days kasama na pamasahe dun. Kaya nagtitinda ako sa school ng mani at cornik para may pandagdag sa baon."

"Wow malaki na yan, ako nga bente lang."

"Ahahah 10pesos. Pag nawalan ka ng ballpen at papel don muna ibabawas ang ending minsan wla kang baon. Ahahah tas pauso pa yung ambagan sa floorwax."

Matatandaang sinabi rin ni Atasha na recent na lang siya natutong gumamit ng social media.

Nang kapanayamin naman ng press people si Andres, sinita siya ng kaniyang amang si Aga dahil nakita niya itong ngumunguya ng chewing gum at pinaluwa ito.

MAKI-BALITA: Netizens nag-react sa ginawang pagsita ni Aga kay Andres