Nagbigay ng babala si Star Magic head Lauren Dyogi kaugnay sa mga indibidwal na nagpapakilalang siya upang manlinlang ng tao.

Sa kaniyang Instagram post nitong Martes, Abril 23, sinabi niyang wala raw siyang alternate na cellphone number kaya huwag makipag-ugnayan sa sinomang nagpapanggap na siya.

“Some person/s are posing as me and messaging artists and managers. I have no alternate cp number,” pahayag ni Lauren. 

“Please do not engage. If you receive a message and you are unsure, send me a DM here, my official IG account,” dugtong pa niya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Kamakailan lang ay nagbabala na rin ang Star Magic laban sa mga scammer na ang pangunahing target na biktima ay ang mga interesadong sumali sa Pinoy Big Brother.

Matatandaan kasing inanunsiyo na noong Abril 6 ang muling pagbabalik ng pinakasikat na reality show sa Pilipinas.

MAKI-BALITA: Bahay ni Kuya, muling magbubukas para sa bagong housemates!