Tila hindi kumukupas ang ganda ng aktres at socialite na si Gretchen Barretto sa kabila ng kasaluluyang edad nito na 54.

Sa isang episode ng “Cristy Ferminute” nitong Lunes, Abril 22, iniulat ni showbiz columnist Cristy Fermin na nalalapit na raw maging lola si Gretchen.

Ayon kasi kay Cristy, ginanap na raw ang baby shower ng anak ni Gretchen na si Dominique Cojuangco para sa nalalapit na pagsilang ng first baby nito.

Kaya naman, puring-puri ng showbiz columnist ang taglay na beauty ni Gretchen na tila mas nangingibabaw kumpara sa mga kapatid nito.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Pagkaganda-ganda pa rin. Iba ang bukas ng mukha sa magkakapatid ni Gretchen. Oo, magaganda ang mga kapatid niyang iba pero iba si Gretchen,” aniya.

“Siya talaga ang beautiful girl ng showbiz,” segunda naman ng co-host niyang si Romel Chika.

Dagdag pa ni Cristy: “Saka sopistikada. Alam mo ‘yon, kahit wala siyang makeup ‘pag nakaharap mo, Romel, isa lang ang sasabihin mo: ‘Ay, walang justice.’ Bakit? Walang makeup, walang kaayos-ayos, kahit nakapambahay pagkaganda-ganda pa rin.”

Matatandaang noong Enero ay agaw-pansin din ang ganda ni Gretchen matapos siyang maispatan sa Greenhills kasama ang business partner niyang si Atong Ang.

MAKI-BALITA: Gretchen Barretto mala-bampira ang ganda