Tagumpay ang 'It’s Showtime' “EXpecially for you” searchee na si Oliver Moeller na mapasok ang showbiz industry.

Ayon kasi sa ulat na inilabas ng ABS-CBN News nitong Miyerkules ng gabi, Abril 24, pumirma na raw ng kontrata si Oliver sa talent agency na Cornestone Entertainment.

Matatandaang nag-trending si Oliver matapos siyang mapili ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee sa “EXpecially For You” bilang makaka-date nito.

MAKI-BALITA: Searchee na napili ni Michelle Dee sa ‘EXpecially For You,’ makalaglag-panty sa kagwapuhan

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

MAKI-BALITA: Total package: Kilalanin ang Cebu-based lawyer na nagpakiliti sa madlang netizens

Pero hindi doon natatapos ang pagiging sikat ni Oliver. Dahil makalipas ang ilang araw, usap-usapan siyang muli matapos niyang bumisita sa “It’s Showtime” at ang tila ang pakay umano ay ang host ng naturang noontime show na si Kim Chiu.

MAKI-BALITA: Trending lawyer, bumisita ng ‘It’s Showtime’ para kay Kim Chiu?

Dahil dito, tila nagkaroon tuloy ng lamat ang ugnayan nina Oliver at Michelle lalo na nang kumuda ang huli tungkol sa pagiging option.

MAKI-BALITA: ‘Hindi dapat ako option!’ Michelle, nagpasapul kay Atty. Oliver?