Maraming "nababahala" sa mga tagahanga at tagasuporta nina Kapuso couple Ruru Madrid at Bianca Umali kung kumusta na raw sila matapos ang trending at pinag-usapang kissing scene ng una kay Vivamax star Angeli Khang sa action-drama series na "Black Rider."

Sa panayam kay Ruru ng GMA Integrated News, sinabi niyang hindi raw niya agad naipaalam kay Bianca ang tungkol sa eksena. Late na raw niya nabasa ang script at wala pang signal sa lokasyon ng taping nila.

Pero nang magkasignal na, sinabi raw niya agad kay Bianca ang tungkol dito.

Na-appreciate naman daw ni Bianca ang honesty niya. Pero ang sagot lang daw nito ay "Okay."

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Samantala, sinagot na rin ni Ruru ang mga nagtatanong kung kumusta na sila ni Bianca.

"Para po sa mga nagtatanong, OKAY NA OKAY naman po kami ngayon hehe 😂♥️" ani Ruru sa comment section ng isang entertainment news page.

MAKI-BALITA: Relasyon nina Ruru at Bianca, nawasak ba sa pagpasok ni Angeli sa eksena?

Pero mukhang okay na okay naman talaga para kay Bianca dahil nagkomento pa siya sa Instagram post ni Ruru tungkol sa kanilang relasyon.

“Seventy months of love, laughter, and endless adventures together.”

“Mahal, your love and support mean the world to me. Thank you for choosing to love me every day. At pangako ko na ikaw lang ang pipiliin ko sa araw-araw, pangako ‘yan,” pahayag ni Ruru.

“Here’s to a lifetime of love and countless memories with you, my forever and always,” dugtong pa ng aktor.

Ginantihan din naman ni Bianca ng matamis na tugon ang mensaheng ito ng nobyo: “Sa araw araw ng habang buhay minahal, mahal na mahal at mamahalin kita, Ruru, mahal ko.”

“Saksi ang Ama sa ating dalawa,” aniya pa.

MAKI-BALITA: Bianca, dedma kay Angeli; habang-buhay mamahalin si Ruru