Marami raw pala ang nagtatanong kay "Black Rider" star Ruru Madrid kung kumusta naman ang relasyon ngayon ng jowa niyang si Bianca Umali, matapos ang kissing scene nila ni Vivamax star Angeli Khang sa nabanggit na serye.

Matatandaang nabanggit ni Ruru at Angeli sa panayam na ang unang bonding nila sa set ay "halikan" na agad.

Sinabi pa ni Ruru na late na niya nasabi at naipagpaalam ito kay Bianca dahil walang signal sa lokasyon ng taping nila.

Pero sey pa ni Ruru, professional naman daw sila pagdating sa trabaho, basta't ipapaalam lang ang mga bagay-bagay.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

Sa comment section ng isang entertainment news site na nagbalita tungkol dito, si Ruru na mismo ang nagsabing okay na okay naman sila ni Bianca.

Nagbahagi pa siya ng larawan kung saan magkasama sila ng jowa habang nanonood ng isang basketball game.

"Para po sa mga nagtatanong, OKAY NA OKAY naman po kami ngayon hehe 😂♥️" ani Ruru.

Photo courtesy: Screenshot from Ruru Madrid (FB)

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Stay strong po!"

"Ruru Madrid wag kayo maghihiwalay pls love you both!"

"Ruru Madrid kabahan ka na idol sa una lang 'yan HAHAHAHA char."

"Ruru Madrid 'Okay' daw halla kabahan kna haha"

"Sa una lang 'yan hahaha."

"Pag ang babae nagsabi ng okay, hindi talaga okay 'yan hahaha."

Well, sabi rin naman ni Angeli, trabaho lang at walang personalan!

MAKI-BALITA: Angeli Khang ‘nagpatikim’ na kay Ruru Madrid

MAKI-BALITA: ‘Bianca, pakatatag daw!’ Unang bonding nina Ruru at Angeli, kiss agad

MAKI-BALITA: ‘First scene kiss agad! Tukaan nila ni Angeli, ‘di agad nasabi ni Ruru kay Bianca

Well, sabi rin naman ni Angeli, trabaho lang at walang personalan!