How true ang bali-balita na ang panliligaw umano ni Alden Richards sa kaniyang “Hello, Love, Goodbye” co-star na si Kathryn Bernardo ay bahagi lang daw ng promo para sa kanilang next movie?

Sa latest episode ng “Showbiz Now Na” nitong Lunes, Abril 22, nakarating kay showbiz columnist Cristy Fermin ang naturang balitang pero para sa kaniya ay hindi niya raw ito pinaniniwalaan.

“Ako, ‘di ko pinapaniwalaan ‘yon,” saad ni Cristy.

Segunda naman ng co-host niyang si Romel Chika: “Ako rin hindi ko kakagatin ‘yon. Kasi kung promo ‘yan dapat [‘yong malapit nang ipalabas]. Ito, wala pa. Panay kuwentuhan pa lang lahat.”

Tsika at Intriga

BINI Aiah, nagsalita na tungkol sa isyu ng personal space at privacy

Matatandaan kasing lumutang kamakailan ang kuwento na nanliligaw na raw si Alden kay Kathryn. Bukod pa rito ang kuwento na mas bet daw ito ng mga magulang ng aktres kaysa kay award-winning actor Jericho Rosales.

MAKI-BALITA: Alden Richards, nanliligaw na raw kay Kathryn Bernardo

MAKI-BALITA: Alden mas bet ng pamilya ni Kathryn kaysa kay Jericho, bakit naman?

Pero nang tanungin si Alden tungkol sa real-score nilang dalawa ni Kathryn, sinabi lang niya na “what you see is what you get.”

MAKI-BALITA: Alden sa relasyon nila ni Kathryn: ‘What you see is what you get’