Naaliw ang mga netizen sa komento ng aktor na si Juancho Triviño sa buhok ng SB19 member na si Stell sa isang TikTok video nito.

Sa naturang video kasi ay makikitang sumasayaw si Stell sa saliw ng kantang “Do You Mind” nina Vedo at Chris Brown. Pero ang higit na agaw-pansin ay ang bagong hairstyle ni Stell.

Nagkomento tuloy si Juancho na gumanap bilang “Padre Salvi” sa historical drama series na “Maria Clara at Ibarra” ng GMA Network.

“Idol! Pareho tayo ng buhok ah 😘 wala ka lang poknat,” saad ni Juancho.

Relasyon at Hiwalayan

'Kapal ng pagmumukha!' Appreciation post ni Aljur kay AJ, pinutakti ng netizens

Umani tuloy ng samu’t sarong reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang komento. Narito ang sey ng ilan:

“long lost twin mo po siya”

“HAHAHAHAHAHAHA ayan na si Padre 😭”

“Pahiramin mo nga ng ootd mo padre salve😉”

“husto na padre! HAHAHAHAHAHAHA”

“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAA AWIT”

“petition for a tiktok collab HAHAHAHAHAHAA”

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa mahigit 199.5k likes at 1.2m views ang naturang video ni Stell.